Tuesday, February 19, 2008

Panalangin Sa Virgen de la Rosa





Nuestra Señora de la Rosa de Makati
1718


PANALANGIN
Oh, kalinis-linisang Birhen, Rosang walang kasing bango’t
dikit na pag-ibig na maningas sa Diyos.
Oh, maalab na sinta na kinaliligayahan ng Maykapal !
Ilingap mo nawa sa abang kaluluwa ko iyang maawain
mong mga mata at gamutin mo yaring madlang kasakitan ko.
Maging larawan ka’t salaming buhay na siyang dapat kong
hanguan ng halimbawa sa pag-ibig ko sa Diyos.
At yamang hindi ko maparisan ang kataasan ng iyong pag-ibig,
mangyaring tuntunin ko man lamang
ang bakas ng mga mahal mong talampakan…
Ako po’y tapunan mo ng kamunting init niyang
maalab mong puso, nang ako’y matutuong magbalik-loob sa Diyos at umibig sa Kanyang lalo, habang ako’y nabubuhay.
Oh, Inang mahal ng magandang sinta’t pag-ibig sa Diyos,
ako’y kaawaan mo’t kahabagang ampunin ngayon
at sa oras nang kamatayan ko.
Amen.




Hango sa Pagsisiyam sa Birhen de la Rosa
Ipinagdiriwang tuwing ika-30 ng Hunyo
Sts. Peter and Paul Parish, Poblacion, Makati City

No comments: